Nagpasya si PBA star Terrence Romeo na ibigay bilang donasyon ang kaniyang isang buwang sahod.

Sinabi ng San Miguel Beermen guard, na naibigay na niya ng pagkain, face masks, alcohol at disinfectants sa dalawang pagamutan sa Pasig at Caloocan.

Naghahanap pa ito ng ilang pagamutan para mabigyan niya ng nasabing mga kagamitan.

Nauna rito ibiniagay rin ni Alaska coach Jeffrey Cariaso ang kaniyang dalawang buwan na sahod para sa mga staff ng PBA na apektado sa pagsuspendi ng mga laro dahil sa banta ng coronavirus.