-- Advertisements --

Hawak na ng San Miguel Beermen ang 2-1 na kalamangan sa best of seven PBA Philippine Cup finals nila ng TNT 108-88.

Bumandera sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 33 points at 11 rebounds sa laro na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Napababa pa ng TNT sa pitong puntos ang kalamangan ng Beermen 90-83 subalit bigo pa rin silang makontrol ang laro.

Gaganapin ang Game 4 sa araw ng Linggo na gaganapin sa Mall of Asia Arena.