-- Advertisements --

Good news!

Patuloy na kumikilos papalayo ng bansa ang Tropical Storm Crising sa katubigan ng Extreme Northern Luzon habang napanatili ng bagyo ang kanyang lakas.

Malawak ang kaulapang dala ng bagyo na siyang magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa hanggang sa mga susunod na araw.

Patuloy rin nitong palalakasin ang habagat na siyang magpapa-ulan rin sa mga lugar na nasa Western part ng bansa.

Huling namataan ang bagyong Crising sa layong 125 km West Northwest ng Calayan , Cagayan.

Ito ay may lakas ng hangin na umaabot pa rin sa 85km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 115km/h.

Patuloy itong kumikilos pa West northwestward na direksyon sa bilis na 15km/h.

Sa kabila ng paglayo ng bagyo, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Luzon: Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, northern at central portions ng Apayao at northeastern portion of Abra.

Nakabandera naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Luzon:
Nalalabing bahagi ng Cagayan, northern portion ng Isabela nalalabing bahagi ng Apayao, the rest of Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the northern portion of Benguet, Ilocos Sur, and the northern portion of La Union .

Ngayong araw ay asahan na ang mga pag-ulan dito sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng La Union, Benguet, Abra, Zamboanga del Norte, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands dahil sa Southwest Monsoon o habagat na pinalalakas ng bagyong Crising.

Patuloy na kikilos ang bagyong Crising pa west northwestward patungo sa China at kung hindi magbabago ang bilis nito ay maaaring lumabas na ito sa PAR ngayong umaga o hapon.

Inaasahang lalakas pa ito ngayong araw bilang Severe Tropical Storm.