-- Advertisements --

Nag-iwan ng halaga ng pinsala na nasa mahigit P1.9 billion sa sektor ng agrikultura ang pananalasa sa bansa ng mga nagdaang bagyong Crising, Dante at Emong.

Sa pinakabagong datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naapektuhan ang nasa 66,989 na magsasaka at mangingisda.

Pinakamatinding naapektuhan ang Region 3 na naakapagtala ng mahigit P1.105 bllion na halaga ng pinsala sa agrikultura, sinundan ng Region 4B o MIMAROPA na nakapagtala ng mahigit P190 million na pinsala, gayundin sa Region 1 na nasa mahigit P155 million, Region 4A o CALABARZON (mahigit P146 million), Negros Island Region (mahigit P97 million, Region 6 (mahigit P83 million), Region 2 (mahigit P76 million), Region 12 (mahigit P58 million, Region 5 (mahigit P44 million).

Samantala, sa sektor naman ng imprastruktura nasa mahigit P9.4 billion ang halaga ng napinsala kung saan lubos na naapektuhan ay ang Region 1,2,3, CAR, Region 4A, 4B, Region 5, 6, Negros Island at Region 10.

Nakapagtala na rin ng mahigit 37,000 kabahayan na napinsala sa nasabing mga rehiyon.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 7.4 milyong indibidwal ang naapektuhan ng mga pananalasa ng mga bagyo at pinaigting na habagat.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 34 ng katao kung saan dalawa dito ang kasalukuyan pang biniberipika habang 7 pa ang napaulat na nawawala at 22 ang napaulat na nasugatan.