-- Advertisements --

Ikinukonsidera ng mga paaralan ang pagdaraos ng makeup classes upang mabawi ang learning loss ng mga estudyante.

Ito ay dahil na rin sa mga suspensyon ng klase dulot ng mga nagdaang sama ng panahon tulad ng habagat, bagyong Crising, Emong, at Dante.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, malaki ang mawawala sa mga estudyante kung hindi ito gagawin.

Ipinauubaya narin ng ahensya sa mga paaralan ang paraan ng pagbawi sa oras, tulad ng dagdag na oras sa klase o Saturday classes.

Kaugnay nito ay muling tiniyak ng DepEd naisasaalang-alang nila ang mga schedule ng mga guro.