-- Advertisements --

Puspusan na ang ginagawang repacking at replenishment sa mga family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda ngayong panahon ng tag ulan at Bagyong Crising.

Ayon kay DSWD Spokesperson and Assistant Secretary Irene Dumlao ay na-activate na ang response cluster kung saan sa ilalim nito ay inihahanda na para sa mobilosasyon ang mga resources ng iba’t ibang mga ahensya na siyang kabahagi ng response cluster ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Layon nito na matiyak na magiging komprehensibo at well coordinated ang magiging response efforts ng mga katuwang na ahensya ngayong tag ulan at Bagyong Crising.

Kasunod nito ay tiniyak naman ni Dumlao na nakahanda na para sa augmentation ang kanilang mga tauhan sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) para naman sa mas mabilis at mas maayos na koordinasyon sa mga pangangailangan ng ibat ibang mga lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay narito tayo ngayon sa kanilang National Resource Operations Center sa Pasay City kung saan isinasagawa ang kanilang repacking ng nga family food packs bilang bahagi pa rin ng kanilang nakahandang mga replenishment kung sakali man na kailangan pa sa mga maaaring apektadong lugar.

Ayon kay Dumlao, sa kasalukuyan ay mayroong P2, 941, 403, 617. 40 centavos na kabuuang standby fund ang kanilang ahensya para naman sa pagbili ng kanilang mga stockpile goods at ilan pang pangangailangan.

Habang 3, 021, 740 naman ang kabuuang bilang ng kanilang mga family food packs na strategically preporistioned na sa buong bansa kung saan 28,107 ang inihandang ready to eat na mga food packs at 334,791 naman ang mga non-food items.

Ani Dumlao dahil nga nakikita at batau na rin sa mga ulat na lubhang maaapektuhan ni Crising ang mga Rehiyon ng Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region ay nakapaghanda na sila ng mga relief goods sa bahaging ito upang matiyak na magigibg mabilis ang pagpapaabot ng tulong sa mga maaapektuhang residente.

Sa Region 1 kasalukuyan nang nakahanda ang higit sa 86,000 na mga family food packs habang 143,000 naman ang nakaprepositioned na sa Region 2 at higit sa 50,000 naman ang inilaan para sa CAR.

Dito naman sa Pasay City ay nasa higit 300,000 naman ang nakahandang replenishment para sa mga lalawigan at rehiyon na mangangailangan pa ng assistance mula sa kanilang tanggapan.

Samantala, naginspeksyon naman sa National Resource Operation Center si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang masiguro ang kahandaan ng DSWD sa Bagyong Crising.

Ayon sa Pangulo, nagpapakita lamang aniya ito ng pagiging handa ng bansa sa mga kalamidad.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang mga teknolohiyang nakapaloob sa family kits na ipinamamahagi sa mga apektadong residente partikular na para sa maiinom na mineral water ng mga residente gamit ang filter na kasama sa ipapamahagi ng DSWD.

Samantala, nanindigan naman si Dumlao na kung kakailanganin pa ng karagdagang replenishment ng mha stockpile ay nakahanda aniya ang DSWD na gawin ang kanilang makakaya para makapaghatid ng tulong sa lahat ng apektado.

Sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang repacking ng nga food packs dito sa Pasay City kung saan makikita na mayroong family kits na binubuo ng mga health kits, sanitary kits, dress kits at ilang kitchen kits na siyanh makakatulong sa ating nga kababayan.

Tiniyak din ng DSWD na sa tulong ng mga makabagong makinarya na narito ngayon sa National Resource Operations Center ay mas mapapabilis pa ang kanilang operasyon.