-- Advertisements --

Nananawagan ang National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang volunteers.

Ito ay para sa repacking at distribusyon ng relief goods gaya ng family food packs sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City, bilang tugon sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Tino.

Ayon sa ahensiya, ang mga nais na magboluntaryo ay maaaring magrehistro sa link: https://forms.gle/MV7c6294ZNMrcxgP6

Para sa mga nais na magboluntaryo, ang schedule ay mula araw ng Lunes hanggang Linggo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Mayroon ding ibang opsyon, para sa Shift 1, ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali habang ang Shift 2 naman ay mula alauna ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa mga numerong: 0993-495-5458 / 0969-179-5117 o di naman kaya’y magpadala ng email sa volunteer.nrlmb@dswd.gov.ph.