-- Advertisements --

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 1-1 ang PBA Finals matapos malusutan ang TNT 98-92.

Bumida sa panalo ng Beermen si Don Trollano na nagtala ng 22 points at anim na rebounds sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Mayroon namang 17 points si June Mar Fajardo at 16 points naman ang naitala ni Mo Tautuaa habang mayroong 10 points si Jeron Teng.

Nasayang naman ang nagawang 23 points ni Calvin Oftana at 15 points ni Jordan Heading para sa TNT.