Pasok na sa pre-qualifying tournament ng FIBA Basketball Women’s World Cup 2026 ang Gilas Pilipinas Women.
Ito ay matapos na malusutan nila ang Lebanon 73-70 sa kanilang paghaharap sa 2025 FIBA Women’s Asia Cup na ginanap sa China.
Nanguna sa panalo ng koponan si Naomi Panganiban na nagtala ng 15 points, apat na rebounds at tatlong assists habang mayroong 14 points ang naitala ni Jack Animan.
Nag-ambag naman ng 14 points si Sumayah Sugapong, 13 points kay Vanessa de Jesus at 10 points para kay Kacey Dela Rosa.
Mayroong isang puntos na lamang ang Gilas 71-70 sa natitirang 8.3 segundo ng maipasok ni Panganiban ang dalawang free-throws sa foul line at mapalawig ang kalamangan 73-70.
Ito ang unang panalo ng Gilas Women dahil natalo sila sa kamay ng Australia at Japan.
Abanse na ang playoffs ang at makakaharap ang number 2 ranked team sa Groupo A.