-- Advertisements --
Iniulat ng state weather bureau na maaari pang lumakas ang bagyong Crising sa Tropical Storm simula sa Huwebes ng umaga.
Hindi rin inaalis ng ahensya ang posibilidad na lumakas ito sa Severe Tropical Storm sa Biyernes ng hapon o gabi bago lumapit sa Northern Luzon.
Sa ngayon ay wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal sa alinmang bahagi ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 625 km East ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso 55k kph.
Kumikilos si Crising pa West southwestward sa bilis na 20 km/h.