KALIBO Aklan — Bumaba ang crime related incident sa buong Region 6 noong buwan ng Nobyembre nga kasalukuyang taon.
Ayon kay P/Maj. Lailyn Sencil, chief public information officer it Police Regional Office (PRO) 6, bumaba ito ng mahigit 6% kumpara sa datos na naitala sa parehong panahon ng nakaraang taong 2024.
Sa peace and order indicator, bumaba ito ng halos 17% kung saan, nakapaloob dito ang index crime na dating may 172 incident na bumaba sa 104 incident o halos 40% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Aniya, ito ay dahil sa pananatili ng police operations, pag-papataas ng police visibility kasama na rin ang pagsunod sa 5mins response na nakakatulong na agad na marespondihan ang mga aksident o insidente.
Dagdag pa niya, malaking tulong din sa pagpapababa ng crime rate ang pagsuporta ng komunidad.
Nagpapatuloy rin umano ang kanilang kampanya laban sa mga loose firearms dahil isa ito sa malaking tulong na makaiwas sa mga krimeng posibleng idulot nito.
Sa ngayon aniyang malapit na ang kapaskuhan, naka-heightened alert na ang buong kapulisan ng PRO 6 lalo na sa mga mataong lugar na katulad ng mga terminal, at pati narin ang mga tourist destinations upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
















