-- Advertisements --

Nagpakalat ang gobyerno ng Ecuador ng nasa 75,000 na mga sundalo sa apat na probinsya kung saan may mataas na kaguluhan.

Kasabay din nito ay nagpatupad sila ng curfew sa gabi bilang hakbang sa paglaban nila sa kriminilidad sa kanilang bansa.

Mula kasi noong maupo sa puwesto sa taong 2023 si Ecuador President Daniel Noboa ay naging mahigpit ang paglaban nito sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.

Subalit noong nakaraang taon ay nagtala sila ng maraming insidente ng patayan sa bansa.

Gaya ng ibang 17 bansa ay kasama siya sa lumalaban sa mga criminal cartels na nagdadala ng iligal na droga.

Ang Ecuador kasi ay nasa gitna ng Colombia at Peru ang pinakamalaking producers ng cocaine.