-- Advertisements --
Itinanggi ng Los Angeles Lakers na lilipat na sa ibang koponan si NBA star LeBron James.
Ayon sa Lakers na mananantili sa kanila si James ngayong 2025-26 season.
Wala pang naging pag-uusap sa pagitan ni James at Lakers ukol sa anumang trade o buyout.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay pinili ni James na magrenew ng $52.6 milyon na player option para maglaro sa ika-walong season sa Lakers.