-- Advertisements --

Apektado ang kabuuang 4,229 pasahero matapos kanselahin ang ilang flights ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 18 bunsod ng masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Crising.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 18 domestic flights ang kinansela habang dalawang flights naman ang na-divert nitong nakalipas na araw ng Huwebes, Hulyo 17.

Ngayong araw naman ng Biyernes, Hulyo 18, base sa inilabas na advisory ng ahensiya, kanselado ang ilang domestic flights sa ilang airline companies partikular na ang (Cebu Pacific) may biyaheng Manila- San Jose vice versa, Manila – Virac at vice versa, Manila – Tuguegarao at vice versa at Manila – Cauayan at vice versa.

Sa ibang airline company (PAL Express), kanselado ang flights mula Busuanga- Manila, Manila – Cauyan at vice versa gayundin ang Manila – Basco, Batanes at vice versa, Clark – Basco at vice versa.

Nagkansela din ng flights ang (Cebgo) biyaheng Cebu – Masbate at vice versa, Manila – Naga at vice versa.

Nakapagtala din ang CAAP ng mga na-divert na flights kabilang ang biyahe mula Manila – Busuanga na bumalik sa Maynila dahil sa masungit na panahon.

Pinapayuhan naman ang mga pasaherong apektado ng mga naantalang flights na makipag-ugnayan sa mga airline company para matulungan sila sa rebooking ng kanilang flight o refund ng kanilang tickets.