-- Advertisements --

Kinokonsidera ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Laurel sa Batangas ang pagdedeklara ng State of Calamity sa kanilang bayan.

Ayon kay Laurel Municipal Administrator Bienvenido Mayuga, ito ay dahil na rin sa kasalukuyang pagbaba ng estado ng kanilang ekonomiya.

Aniya, dahilan ito ng mababang benta ng mga huling isda ng mga mangingisda sa nasabing bayan.

Paliwanag nito na bukod sa palugi na ang bentahan ng mga huling isda sa lawa ng Laurel ay halos wala na ring mga bumibili nito.

Kung dati aniya ay tatlong balde ang nauubos ng isang mangingisda ngayon ay halos hindi na makabenta ng isang balde dahil sa isyu ng mga missing sabungero na umano’y itinapon sa Taal Lake.

Una rito ay nanawagan na ang lokal na pamahalaan ng Laurel sa publiko na tangkilikin pa rin ang kanilang mga huling isda dahil ligtas itong kaiinin dahil ang mga ito ay cultured o pinalaki sa pamamagitan ng pagpapakain ng commercial feeds.