Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) na tigilan na ang pagpapakalat ng mga haka-hakang walang basehan lalo na hinggil sa naging biglaang pagpapalit ng liderato sa loob ng organisasyon.
Ayon sa PNP Public Information Office (PNP PIO), handa silang magpakita ng trasparency sa publiko upang matiyak na matitigil na ang pagkakalat ng mga espekulasyon na mula naman sa mga hindi beripikadong mga impormasyon.
Magugunita kasi na nagkaroon ng biglang pagpapalit ng liderato sa PNP matapos na masibak sa kankya g pwesto si dating PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na siya namang pinalitan ni kasalukuyang PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Samantala, nanindigan naman ang Pambansang Pulisya na sila ay isang institusyon na may paninindigan, integridad at may pagkakaisa kaya nama patuloy lamang silang tutupad sa kanilang mandato sa kabila ng mga batikos at espekulasyon hinggil sa ga pagbabagong ito.
Ang kanilang hanay ay mananatili rin aniyang propesyunal at patuloy na magbibigay ng serbisyo sa publiko.