UK EMMA RADUCANU
British tennis sensation Emma Raducanu
-- Advertisements --

Umaasa si US Open champion Emma Raducanu na makahanap na ng bagong coach bago ang pagsisimula ng Australian Open sa buwan ng Enero.

Sa kasalukuyan kasi ay aasa na lamang ito sa kaniyang sarili habang sasabak sa Transylvania Open sa Romania.

Magsisimula ang nasabing torneo sa Nobyembre 1 at walang papayagang audience dahil sa ipinapatupad na health protocols ng gobyerno ng Romania.

Noong Setyembre kasi ay inanunsiyo nito na hindi na hiwalay na sila ng landas ng coach nito na si dating Davis Cup player Andrew Richardson.

Dagdag pa ng 18-anyos na noong nakaraang linggo ay sinubukan niyang makasama ang ilang mga coach bilang bahagi ng paghahanap ng bagong mentor.

-- Advertisement --

Dagdaga pa na ang coach lamang ay siyang aalalay sa manlalaro dahil ang tanging makakapagpanalo ng laro ay mismo ang sarili.