Matapos ibinalik sa enhanced community quarantine(ECQ) ang lungsod ng Cebu nagpatupad ito ng isang lang na entrance na matatagpuan sa South Road Property (SRP).
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pagrespeto si Talisay City Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas Jr. sa naging desisyon ng lungsod.
Pinayuhan pa ang ang nagtatrabaho sa Cebu City na magdala ng ID at Certificate of Employment upang makadaan sa border checkpoint.
Hiniling naman ni Gullas sa publiko na sundin ang mga protocol at pamamaraan upang maiwasan ang covid-19.
Samantala, inihayag nitong Sabado ng Joint Task Force COVID Shield ang temporary travel ban sa mga locally stranded individuals(LSI) na nagmula at papunta sa Cebu City at Talisay City bilang bahagi ng mas mahigpit na mga hakbang upang maiwasan ang lalong pagkalat ng nasabing virus.
Base sa pinakahuling tala ng Cebu City Health department, umabot na ngayon sa 4,364 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng nasabing virus dahil sa 126 na kasong naidagdag ngayong araw.
Umabot na rinsa 2,092 ang nakarekober habang 73 na ang naitalang namatay.
Habang sa pinakahuling datus naman sa Talisay City na nasailalim ng modified enhanced community quarantine ay may 147 na kabuuang kaso ng nasabing virus kung saan 53 ang nakarekober at 24 naman ang namatay.