-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue na kanilang bubusisiin ang ‘tax compliance’ ng mga contractors patungkol sa isyu ng flood control projects.

Ito mismo ang kumpirmasyong ibinahagi ni Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. nang matanong kung anong hakbang ang kanilang gagawin hinggil sa kontrobersyal na mga proyekto.

Aniya’y titingnan at iimbestigahan itong maigi ng kawanihan upang masegurong sumusunod ang mga naturang kontratista sa tamang pagbabayad ng kaukulang buwis.

Maging ang paghingi ng mga kinakailangang dokumento ay kanila rin aniyang kukunin para lamang natiyak ang ‘tax compliance’ ng mga contractors.

Dagdag pa rito, tututukan rin aniya ng Bureau of Internal Revenue partikular ang mga ghost projects hinggil sa naturang isyu.

Paliwanag ni Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ito’y upang malaman kung ano talaga ang nangyari sa kontrobersyal na flood control projects.

Nais umanong seguraduhin at makita ng kawanihan ang tax payments ng mga contractors na ngayo’y nasasangkot sa umano’y maanomalyang mga proyekto.

Kaya’t bunsod nito’y, para sa kaalaman ng publiko, ibinahagi ng naturang commissioner kung ano ang pakahulugan sa tinatawag na ‘ghost projects’

Aniya’y ito ang mga proyektong bigong makapagpakita ng ginawa o kinalabasan at walan gasto ngunit posibleng bayad parin ang mga cotractors.

Dahil rito’y ibinahagi ng kawanihan na sila’y makikipatulungan rin sa iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno sa kanilang pag-iimbestiga.