Ibinahagi ni Rep. Janette Garin ang taunang kita ng mga kompaniyang pag-aari ng pamilya Discaya, base sa mga dokumentong isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Ayon kay Garin, kapuna-puna ang malaking pagtaas ng kita ng mga naturang kumpanya simula pa noong taong 2016.
Ang presentation ay bahagi ng mas malawak na pagsusuri sa pinansyal na galaw ng mga negosyo ng Discaya couple, na ngayon ay iniimbestigahan kaugnay ng mga alegasyong posibleng may iregularidad sa kanilang operasyon.
Nagmosyon din si Iloilo Rep. Janette Garin na obligahin ang Discaya group of companies na magsumite ng kumpletong listahan ng mga proyekto na isinagawa nila sa Western Visayas mula pa noong 2015.
Ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisiyasat sa umano’y iregularidad sa mga kontrata ng mga kompaniyang pag-aari ng pamilya Discaya.
Nabatid na may mga proyekto sa Iloilo na kulang sa documentation, may magkaibang contractor records, at walang transparency boards sa site.
Ilan sa mga kumpanyang sangkot ay ang St. Gerrard Construction, St. Matthew General Contractor, at iba pang parte na kumpanya ng Discaya group.
Layunin ng mosyon ni Garin na matukoy kung may pattern ng anomalya sa mga proyekto sa rehiyon, lalo na’t may mga ulat ng paglala ng pagbaha sa ilang barangay matapos ang implementasyon ng ilang flood mitigation structures.