-- Advertisements --
NAGA CITY- Patay ang isang tattoo artist sa nangyaring pamamaril sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Herson Gamilla, 44-anyos.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakatayo sa terasa ng kanilang bahay ang biktima ng biglang dumating ang suspek na armado ng baril.
Nagtamo ng sugat sa iba’t- ibang na bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kaniyang agarang kamatayan.
Napag-alaman na dati nang nahuli ang biktima dahil sa kasong may koneksyon sa iligal na droga.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang pinaghahanap naman ang suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.