-- Advertisements --

Arestado ang OPM artist na si Hev Abi dahil sa pagkukustodiya ng mga hindi lisensyadong mga baril.

Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsilbi ng search warrant.

Kinumpirma ni CIDG Public Information Office chief PMaj. Helen Dela Cruz na nitong Abril 14 ay inaaresto ang singer na si Hev Abi o Gabriel Abilla sa tunay na buhay.

Isinagawa ang search warrant nitong Martes ng umang sa kaniyang bahay sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Nakarekober ang mga kapulisan ng G3 Taurus caliber 9mm pistol na may magazine at 15 piraso ng live ammunitions.

Mayroon pa umanong nakuha ang mga otoridad na mga hinihinalang iligal na droga sa rapper.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang nasabing rapper.

Nitong Enero ay naglabas ng bagong album ang rapper na “Maduming Timog” kung saan mayroon itong ilang milyong listeners sa iba’t-ibang music platform.