-- Advertisements --

Nagsimula ang magandang laro ng Team Pilipinas Men’s 3×3 squad matapos talunin ang Sri Lanka, sa score na 21-12, sa Round Robin Pool A ng 2026 Asian Games.

Nanguna sa opensa ng Pilipinas si Nicael Cabanero, na nagtala ng 8 points at 6 na rebounds. Malaki rin ang naging ambag nina Manuel Pablo at Koji Buenaflor na kapwa kumamada ng tig-6 na puntos para sa koponan.

Samantala, pinangunahan ni Methika Jayasinghe ang Sri Lanka sa scoring matapos magtala ng 6 points at 4 na rebounds. Gayunman, hindi naging sapat ang kanilang depensa at opensa upang makahabol sa mabilis na pag-atake ng Team Pilipinas.

Tumagal lamang ng 7 minuto at 12 segundo bago makamit ng Pilipinas ang 21-point target.

Susunod na makakaharap ng Men’s 3×3 squad ang Kazakhstan sa Miyerkules, Setyembre 23, alas-12:15 ng tanghali, oras sa Pilipinas.