-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hinihintay na lamang ang pagturn-over doon sa Bureau of Immigration sa 9 na Chinese national na naaresto dahil sa large-scale illegal mining operation sa Carac-an Downstream, Brgy. Lobo, Cantilan, Surigao del Sur sa nakaraang linggo.

Ayon kay Police Major Jennifer Ometer, tagapagsalita ng Police Regional Office o PRO-13 na kustudiya ngayon ng Cantilan Municipal Police Station ang nasabing mga Chinese national kasama ang isang pinoy at naisampa na rin ang kasong criminal laban sa mga itoi.

Kinumpirma rin ng opisyal na aabot sa mahigit 50.5 milyong peso ang halaga sa mga nakumpiskang malalaking makinarya na ginamit sa nasabing operasyon kagaya ng excavator, pay loader, dump truck, generator set, at iba pa galing sa tatlong sites.

Ang nasabing mga equipments ay nasa kustudiya ng Department of Environment and Natural Resources o DENR-Caraga.

Kinumpirma rin ni Ometer na sa bagong mga operasyon laban sa illegal mining ay aabot na sa 13 na Chinese nationals ang naaresto.