-- Advertisements --

Personal na binisita ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang construction worker na natikitan dahil sa walang damit na pang-itaas habang naghahalo ng semento sa ginagawang bahay nito sa Lungsod ng Mandaluyong.

Sa paghaharap ng kalihim kay Jhony Lanquino sa Barangay Addition Hills, ay personal itong humingi ng paumanhin at inamin nito ang kaniyang pagkakasal dahil sa hindi malinaw na polisiya sa implementasyon ng kaniyang kautusan.

Tinanggap naman ni Lanquino ang paghingi ng paumanhin ng kalihim.

Ibinalik din ni Remulla ang multang binayad na inabonohan ng Barangay Chairman sa lugar at nagbigay din ito ng tulong para sa inaayos nitong bahay.

Magugunitang umani ng batikos ang ginawa ng mga barangay opisyal matapos na sitahin at tiketan si Lanquino habang ito ay naghahalo ng semento na walang damit na pang-itaas sa harap ng bahay nila.