Reading Time: 1 minute
Sher Mohammad Abbas Stanikzai
Sher Mohammad Abbas Stanikzai

Handang tanggapin ng Taliban kung itutuloy ang peace talks sa kanila ni US President Donald Trump.

Sinabi ni Chief negotiator Sher Mohammad Abbas Stanikzai, na bukas ang kanilang pintuan para sa usapin.

Dagdag pa nito na ang nasabing paraan ay siyang magdadala ng kapayapaan sa Afghanistan.

Magugunitang kinansela ni Trump ang nasabing usapin matapos ang naganap na pang-aatake ng Taliban sa Kabul na ikinasawi ng anim na tao kabilang ang isang sundalong Amerikano.