-- Advertisements --

Nakaamba na naman ang taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa kumpanyang Unioil mayroong pagtaas na P1.10 hanggang P1.20 sa kada litro ng gasolina habang ang diesel ay magtaas mula P0.40 hanggang P0.50 sa kada litro.

Wala pang katiyakan ang pagtaas sa presyo ng kerosene.

Magiging epektibo ang nasabing pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa Oktubre 26.

Ito na rin ang pang-siyam na beses na nagtaas ang mga presyo ng langis sa bansa.

-- Advertisement --