Itinanggi ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na may inaprubahan silang dagdag pasahe.

Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra, na hindi nila prioridad ang taas pasahe at ang prioridad nila ngayon ay ang incentives para sa mga pangangailangan ng mga transport sector at mananakay.

Ang stimulus package ay maiibsan ang krisis na dinaranas ng mga drivers at operators.

Nauna rito ipinanukala ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa kongreso na isama ang mga operators at drivers na mabigyan ng ayuda.