-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nanindigan ang grupong Bayan Panay na hindi sagot at solusyon ang pagtaas ng pamasahe sa napipintong pagtaas ng mga produktong petrolyo dulot pa rin ng nagpapatuloy na tensyon sa gitna ng mga bansang Israel at Iran.

Ayon kay Elmer Forro na siyang rin ang lead convenor ng No to PUV phaseout na ang kanilang panindigan kasama ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON sa buong Panay Island na hindi makatwiran ang dagdag pamasahe dahil sa dagdag pasanin lamang ito sa mga commuter lalo na’t nagsimula na ang pasukan para sa school year 2025-2026.

Aniya pa ni Forro, bagama’t hindi pa lumalala ang gyera sa gitna ng nasabing mga bansa ay patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng naturang mga produkto.

Ang gyera sa middle east ay ginagamit lamang aniya ng mga naglalakihang mga kumpanya ng langis para lalong mapaunlad ang kanilang negosyo at makabenipisyo sila ng husto kahit na umaaray ang mga karaniwang commuters dahil sa inaasahan na rin na magsitaasan ang mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sa katunayan aniya, may sapat aniya na reserba at suplay ng langis para sa bansa kung kaya’t walang dahilan upang magtaas rin ng pamasahe dahil sa posibilidad na hinde rin magtatagal ang pagtaas ng presyo ng langis at babalik din ito sa mababang gaya ng nakasanayan na kapag may oil price hike ay magkakaroon din ng oil price rollback kalaunan.

Ngunit, kung ang pamasahe ang tataas ay hindi na ito bumabalik sa dating bilang kahit na bumaba pa ang presyo ng produktong petrolyo