-- Advertisements --

Inanunsyo ng Phivolcs ang pagbaba ng alerto ng Bulkang Taal mula sa Alert Level 2 patungo sa Alert Level 1 na may bahagyang aktibidad na lamang.

Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na dalawang buwan, ang kalagayan ng bulkan ay nakitaan na lamang ng mababang bilang ng volcanic earthquakes, paghupa sa pamamaga ng lupa ng Taal Caldera at Taal Volcano Island, maliban sa mahihinang pagsingaw at aktibidad mula sa main crater.

Matatandaan na noong Marso ng kasalukuyan taon nang makapagtala ang Phivolcs ng phreatomagmatic eruption sa bulkan, kaya itinaas ang alerto rito.

Pinalikas din ang mga residente na nasa paligid ng Taal Lake sa lalawigan ng Batangas.

Bago ito, nagbuga rin ng usok at abo ang bulkan noong Enero 2020.