-- Advertisements --

Natanggap na ng Kamara ang 2026 National Expenditure Program mula sa Department of Budget and Management (DBM) na nagkakahalaga ng P6.793 trillion na layong isustine ang economic growth momentum ng ating bansa.

Batay sa 2026 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng DBM sa Kamara, tinukoy ang Top 10 departments na may mataas na alokasyon.

Ito ang mga sumusunod:

1. Eduation (DepEd) – P928.5 billion

2. Public Works (DPWH) – P881.3 billion

3. Health (DOH and Philhealth) – P320.5 billion

4. Defense (DND) – P299.3 billion

5. DILG – P287.5 billion

6. Agriculture (DA,DAR) – P239.2 billion

7. Social Welfare (DSWD and NCSC) – P227 billion

8. Transportation (DOtr) – P198.6 billion

9. Judiciary – P67.9 billion

10. Labor and Employment (DOLE and DMW) – P55.2 billion

Sinabi ni Pangandaman ang budget dimensions by sector ang social services ang may pinaka malaking budget na nasa P2.314 Trillion, sinundan ng economic sevices na nasa P1.868 T; General public services P1.202 Trillion, Debt burden P978.7 T; Defense P430.9B.

Sinabi naman ni Pangandaman ang budget ay pinaghirapan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kung saan kaniyang pinangunahan ang konsultasyon sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.