-- Advertisements --

Matapos ang kanyang unang laban sa US Open na magtatapos sa Setyembre 8, maglalaro si Filipino tennis star Alexandra “Alex” Eala sa Sao Paulo Open sa Brazil mula Setyembre 8 hanggang 14.

Kasama siya sa 32-player field, kabilang ang kanyang dating kalaban na si American Hailey Baptiste.

Matatandaan na nagtamo si Eala ng injury sa kaliwang balikat sa National Bank Open sa Montreal kaya kinailangang mag-withdraw nito sa ilang torneo bago ang US Open.

Sa kasalukuyan, nag-eensayo siya sa Rafa Nadal Academy sa Spain upang maghanda sa mga susunod na laban at makamit ang kanyang unang Grand Slam win.