-- Advertisements --

Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang naging abala sa mga flight sa Pagadian Airport, Zamboanga del Sur, nang habulin ng mga awtoridad ang isang suspek sa loob ng paliparan.

Inilahad ng CAAP na nagsimula ang habulan sa Barangay Muricay at nagtapos nang makalusot ang suspek sa airport perimeter fence at pumasok sa runway area.

Naaresto ang suspek sa Runway 20 at isinailalim sa kustodiya ng Pagadian City Police.

Tiniyak ng CAAP na walang nasira sa mga pasilidad ng paliparan at walang naging epekto sa mga scheduled flight.

Samantala, pinaalalahanan din ng CAAP ang publiko na mahigpit ang parusa sa paninigarilyo o pagva-vape sa mga pampublikong lugar tulad ng paliparan at eroplano, alinsunod sa Tobacco Regulation Act of 2003 at Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.