-- Advertisements --

Pinalawig pa ang flight ban malapit sa bulkang Mayon.

Base sa abiso mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), epektibo ang Notice to Airmen hanggang alas-9:00 ng umaga bukas, Sabado, Disyembre 13.

Saklaw ng naturang notice ang flights na may vertical limits mula sa surface pataas hanggang 11,000 talampakan.

Pinalawig ang pag-isyu ng naturang notice matapos na maobserbahan ang panibagong spines ng maitim na lava sa summit lava dome ng bulkan nitong Miyerkules.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang flight operators na iwasan ang pagpapalipad malapit sa bulkan, habang nananatili sa ilalim ng Alert Level 1 o low level unrest gayundin ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius o permanent danger zone.