boris johnson
British PM Johnson

Kinontra ni British Prime Minister Boris Johnson ang desisyon ng supreme court na hindi makatarungan ang pagsuspendi nito ng parlyamento.

Ayon kay Johnson na nirerespeto niya ang hudikatora subalit hindi tama ang naging desisyon na ipinalabas.

Tiniyak nito na tuluyan ng kakalas ang Britain sa European Union sa susunod na buwan.

Reaksyon ito ni Johnson sa desisyon ng korte na iligal ang pagsuspendi nito ng parlyamento para hindi na kontrahin ang pagpasa nito ng no-deal Brexit.