BuCor Fredric Anthony Santos
Atty. Fredric Anthony Santos during a hearing at the Senate (file photo)

Patay ang isang abogado matapos itong tambangan sa may Southernside Montessori School, Katihan St., Brgy. Poblacion, bandang ala-1:00 ng hapon sa Muntinlupa City.

Sa report ng Southern Police District (SPD) nakilala ang biktima na si Atty. Fredric Anthony Santos, chief legal service ng Bureau of Corrections, New Bilibid Prison.

Ayon pa sa impormasyon, susunduin lang sana ng biktima ang kanyang mga anak sa Southernside Montessori School nang tambangan ito ng dalawang hindi nakilalang mga suspek.

Sakay ang biktima sa kanyang Toyota Hilux pick-up kung saan pagdating nito sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ay bigla na lamang ito pinaulanan ng bala.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Batay sa report, suspindido ang biktima dahil sa kinasangkutang GCTA scandal na unang inimbestiga ng Senado noong nakaraang.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may pinatay na top official sa BuCor na sinasabing aabot na sa anim nito lamang kasalukuyang administrasyon.

Lumabas pa sa pag-usisa sa Senado na ang ilang dati pang kaso nang pagpatay ay wala pang malinaw na resolusyon.