Aminado ang Department of Energy (DOE) na aabot ng 10 hanggang 15 taon bago makapagsimula ang Pilipinas na makapag-produce ng langis at gas mula sa reserves ng bansa malapit sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nabatid na mula noong 2024, nagsimula nang tumanggap ang DOE ng mga bid para sa petroleum exploration sa tatlong itinalagang lugar sa Cotabato at Sulu Basins.
Ayon kay DOE Director Rino Abad, masisimulan na ang mga kontrata para sa mga proyektong ito at ang Mindanao, partikular na ang mga lugar na nakaharap sa Malaysia at Indonesia.
Gayunpaman, sinabi ni Abad na aabutin pa ng 5 taon para sa exploration phase at karagdagang 5 taon para sa development bago magsimula ang produksyon.
Habang hinihintay ang mga proyektong ito, ang gobyerno ay nag-iisip ng mga pansamantalang solusyon tulad ng fuel subsidies upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan sa enerhiya.
Samantala, ini-anunsyo rin ng Bangsamoro government ang kanilang plano na mag-explore ng coal sa Kapai at Tagoloan sa Lanao del Sur, na may kabuuang lawak na 14,856 ektarya.