-- Advertisements --

Naaresto ng mga kapulisan sa Spain ang suspek na nagpapadala ng mga sulat na may bomba sa mga prime minister ng Spain, Ukrainian ambassador sa Madrid at ilang mga high-profile targets.

Isang 74-anyos na lalaki na residente ng bayan ng Miranda del Ebro sa Madrid.

Ayon sa kapulisan aktibo sa social media ang suspek na mayroong kaalaman sa technical at computer.

Natunton lamang nila ito matapos ang pagpapadala niya ng anim na sulat mula sa lungsod ng Burgos.

Magugunitang sa anim na letter bomb na ipinadala sa Ukrainian Embassy sa Madrid noong Nobyembre 30 ay isang empleyado nila ang nasugatan ng tanggapin nito ang nasabing sulat.

Ang ilang mga sulat ay hindi na sumabog matapos na mahigpit itong sinala ng mga security personnel.