-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Justice Andres Reyes Jr. bilang ikatlo at huling miyembro ng Independent Commission for Infrastructure na inatasang magsiyasat sa katiwalian sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno sa nakalipas na 10 taon.

Siya rin ang magsisilbing pinuno ng nasabing komisyon.

Nauna nang inanunsyo ng Malacañang na sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo, country managing partner ng SGV & Co., ang unang dalawang miyembro ng komisyon.

Nagbabala naman ang Pangulo na mananagot ang mga personalidad na iiwas at hindi makipagtulungan sa Ombudsman at DOJ dahil sila at mako contempt.

Inihayag ng Pangulo na nakausap na niya ang 3man ICIat sila ay nagkasundo na simulan kaagad ang kanilang trabaho.

Giit ng Presidente hindi puwedeng mapanis ang lahat ng information na binigay ng taumbayan doon sa Isumbong Mo sa Pangulo.