-- Advertisements --

Personal umanong dumalaw si Vice President Sara Duterte sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, ang pagbisita ay malinaw na para kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na kasalukuyang nakadetine.

Nilinaw ni Remulla na walang katotohanan ang alegasyon ni Ramil Madriaga na si Duterte ay dumadalaw sa kaniya upang pigilan ang pagbubunyag laban sa Vice President.

Sa tala ng BJMP, si Teves lamang ang binisita ni Duterte at walang ibang kaugnayan sa sinasabing “bagman.”

Si Teves ay nahaharap sa mga kasong kriminal na may kaugnayan sa karahasan at katiwalian.

Ang isyu ay nag-ugat sa mga pahayag ni Madriaga na nagdudulot ng kontrobersya at patuloy na sinusuri ng publiko.

Sa kabila nito, nananatiling bukas ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban kay Duterte at sa mga kasong kinakaharap ni Teves.
 

Wala pa namang tugon sa mga pahayag ni Remulla ang pangalawang pangulo.