-- Advertisements --

Ikinagalit ng Ukraine ang ginawang malawakang pag-atake ng Russia sa kanila na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong katao kabilang dito ang bata.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, na gumamit ang Russia ng nasa 650 drones, at mahigit na 30 missiles.

Tinarget ng Russia ang 13 rehiyon o halos kalahati na ng populasyon ng Ukriane.

Natamaan din ang power installations na nagresulta sa pagkawala ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Ukraine.

Nangyari ang pang-aataeke matapos ang ginanap na magkahiwalay na pag-uusap sa mga kinatawan ng US , Ukraine at Russia.

Magugunitang isinusulong ng US ang ceasefire deal sa pagitan ng Russia at Ukraine subalit wala pang konkretong napagkasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.