Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding sa kasagsagan ng Christmas at New Year break.
Sa inilabas na abiso ng ahensiya, awtomatikong suspendido ang number coding scheme sa mga sumusunod na petsa kung saan ilan dito ay idineklarang regular at special non-working holidays.
Simula ngayong araw Disyembre 23 hanggang sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25 suspendido ang number coding gayundin sa Disyembre 29 hanggang sa 31, bisperas ng bagong taon at sa mismong New Year, Enero 1 hanggang 2 ng taong 2026.
Ipinaliwanag naman ni MMDA chairman Romando Artes na walang pagbabago sa umiiral na number coding scheme ngayong linggo sa kabila ng pagsisimula na ng matagal ng nakabinbing rehabilitasyon ng EDSA kung saan sisimulan na ang inisyal na pagsasaayos dito gabi ng bisperas ng Pasko, Disyembre 24 hanggang umaga ng Enero 5.
Samantala, magpapakalat ang MMDA ng 2,500 traffic enforcers sa buong Metro Manila para sa holiday season.
















