Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lahat ng mga 2025 Bar examinees ay exempted sa ipinapatupad na number coding scheme sa darating na Setyembre 10.
Naglabas na rin ng guidelines ang Office of the Bar 2025 Chairperson Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier para sa mga nais na kumuha ng Number Coding Exemptions.
Itinakda ng Supreme Court ang deadline ng exemption sa Setyembre 8, 2025.
Ang mga local testing centers ay gaganapin sa Manila, Taguig, Quezon City at Muntinlupa.
Magsisimula ang Bar exam sa Setyembre 7, 10 at 14 kung saan ayon sa MMDA na asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing mga lugar.
Ang mga testing centers ay kinabibilangan ng University of Santo Tomas, San Beda University sa Mendiola, New Era University, Manila Adventist College, San Beda College sa Alabang, University of the Philippines sa BGC at Ateneo de Manila University School of Law.