Muling ipapatupad ang No Contact Apprehension policy (NCAP) sa Mayo 26, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay matapos na alisin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) sa NCAP makalipas ang tatlong taon mula nang suspendihin ito ng Korte Suprema noong Agosto 30, 2022.
Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, walang pagbabago sa polisiya kung saan contactless ang paghuli sa mga lalabag sa pamamagitan ng naka-install na CCTV cameras sa halip na pisikal na huhulihin ng mga enforcer. Ipapadala na lamang ang notice of violation ng mga violator sa kanilang registered address na nasa datos ng Land Transportation Office (LTO).
Samantala, ipinalala naman ng SC na maaari lamang magpatupad ng NCAP ang MMDA sa mga pangunahing kalsada partikular na sa C5 at EDSA subalit hindi kasama dito ang mga ordinansang ipinasa ng mga lokal na pamahalaan.