-- Advertisements --

Nagsagawa ng pagpupulong si US President Donald Trump para sa susunod nitong hakbang sa nagaganap giyera sa Gaza.

Kasamang dumalo sa pulong sa White House sina dating British Prime Minister Tony Blair at dating Middle East envoy ni Jared Kushner.

Tinalakay nila ang lahat ng mga aspeto at kabuuang kalagayan sa Gaza.

Kabilang dito ang pagdagdag ng mga aid deliveries , pagpapalaya sa mga bihag at ang post-war plans.

Una ng sinabi ni Trump na desidido itong tuluyan ng matapos ang giyera.