-- Advertisements --

Pinangangambahan ngayon ng ilang mga kabataan partikular ang grupong Kaya Natin Youth ang pagpapaliban sa dapat sanang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo sa isa mga petitioner at sangguniang kabataan official na si Luis Magat, kanyang ibinahagi ang kanilang kung tuluyan ng hindi matutuloy ang naturang eleksyon sa Disyembre.

Aniya’y naniniwala silang makapagdudulot lamang ang pagpapaliban nito ng direktang epekto lalo na sa mga kabataan na inaasahang boboto o tatakbo bilang opisyal sa kani-kanilang mga lugar o barangay.

Bagama’t nauna ng naghain ng petisyon ang ilan, ani ng petitioner na si Luis Magat, pokus nila rito ay ang patungkol sa mga kabataan na posibleng mapagkaitan makaboto lalo na sa Sanggunian Kabataan.

Maalalang kanilang inihain sa Korte Suprema ang Petition for Certiorari and Urgent Motion for a Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction kontra sa nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaya’t ipinaliwanag pa ng naturang petitioner na ang pagpapaliban sa eleksyon mula ngayong taon at ilipat sa Nobyembre ng 2026, ang ilang kabataan ay hindi na pasok sa edad na saklaw lamang ng Sangguniang Kabataan.

Ibig sabihin, mapagkakaitan ang mga ito na makaboto at makatakbo bilang opisyal para sa Sangguniang Kabataan ng kanilang barangay o lugar.

Buhat nito’y kanyang panawagan lalo na pati sa kapwa kabataan na suportahan ang naturang petisyon dahil Karapatan din aniya nila ito ang kanilang ipinaglalaban.