-- Advertisements --
Inihain ng isang guro ang panibagong ‘Motion for Reconsideration’ sa Korte Suprema hinggil sa deklarasyon ‘unconstitutional’ ang ‘impeachment’ kay Vice President Sara Duterte.
Base sa petisyon ng ‘senior high school teacher’ na si Barry Tayam, layon nito na maiparekunsidera sa Kataastaasang Hukuman ang naging desisyon patungkol sa impeachment.
Hiling niya na baliktarin ito ng Korte Suprema at italaga ang pagiging naayon sa konstitusyon ang pagpapasa ng impeachment mula 19th congress tungo sa 20th congress.
Kalakip ng petisyon inihain ay ang kahilingan na bigyang linaw ng Supreme Court ang pakahulugan ng terminong ‘forthwith’.
Nais ng naturang petitioner na ito’y mabigyang kaliwanagan, at klaripikasyon ng interpretasyon hinggil sa impeachment.