-- Advertisements --

Pormal nang inilabas ng Kataas-taasang Hukuman ang resulta sa naganap na ‘2025 Bar Examinations’ nitong nakaraang taon.

Inanunsyo mismo ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examinations na aabot sa higit limang libong bar takers ang nakapasa.

Aniya’y 5,594 ang naitalang pasado mula sa 11,425 nakakumpleto o examinees noong buwan ng Setyembre, taong 2025.

Ibig sabihin, ito’y katumbas ng halos kalahati ng kabuuan sa passing rate na 48.8% ng mga bar passers sa naganap na bar examinations.

Habang sa naganap naman na sesyon ng Supreme Court En Banc ay napagkasunduan na hindi binago o in-adjust ang passing grade ng 2025 bar examinations na 75%.