-- Advertisements --

Pinahaba ng Kataas-taasang Hukuman ang suspensyon sa sentensya ng isang bata nagkasala ng qualified rape.

Ipinagpaliban muna ng Korte Suprema ang hatol sa isang ‘child in conflict with the law’ o CICL upang tuparin ang layon at nakasaad sa batas na Republic Act No. (RA) 9344, o ang Juvenile Justice and Welfare Act.

Batay kasi sa batas na ito, isinusulong ang pinakamahusay na interes at rehabilitasyon para sa batang nahatulan.

Sa naganap na Supreme Court En Banc Session, ibinasura nito ang apela ng akusado na napatanuyang nagkasala sa kasong qualified rape sa isang menor de edad.

Siya’y nasentensyahan ng pariusang 2 taon hanggang 14 na taon, walong buwan at isang araw sa bilangguan.

Nang ibinalik ang kaso sa Regional Trial Court, ipinag-utos na medetine ito sa isang agricultural camp o ibang pasilidad ngunit nakaayon sa ilalim ng Section 15 ng batas.

Kinasuhan ito ng panggagahasa sa kalarong limang taon gulang habang 15 taon gulang siyang nang maganap ang krimen.

Nang mahatulan naman, siya’y 18-years old ngunit sinuspinde ng korte ang kanyang sentensiya.

Makalipas ang ilang buwan, inilabas ang ‘warrant of arrest’ at siya’y ikinulong sa New Bilibid Priso.

Bagama’t pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ang hatol, nilinaw nito na ang krimen ay qualified rape at ipinag-utos ang suspensiyon ng kanyang sentensiya.

Gayunpaman pinahaba ng Korte Suprema ang pagsususpinde sa kanyang sentensya kahit pa 25-taon na ito upang matupad lamang na iuna ang rehabilitasyon ng batang nagkasala.