-- Advertisements --
Magkakasama ang apat na anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa kaniya sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Ibinahagi ni Davao Representative Paolo “Pulong” Duterte ang larawan nilang magkakapatid kasama sina Vice President Sara, Davao City Vice Mayor Baste at Veronica ‘Kitty’ Duterte.
Mayroong caption ang larawan na may dala sila malaking pag-asa sa puso at balang araw ay magkakasama rin sila.
Magugunitang inaresto ang dating Pangulo noong Marso 11 mula sa warrant of arrest ng ICC dahil sa crime against humanity na may kinalaman sa kampanya nito sa iligal na droga noong ito ay alkalde ng Davao City hanggang maging pangulo ng bansa.